WAWA National High School


Gallery



Vision and Mission

Vision

By the year 2010, Wawa Annex shall produce academically excellent students who are God loving productive and well-rounded citizens.

Mission

The GLGMNHS Wawa Annex is government school established but academically capable students with necessary knowledge life skills and positive attitudes that will made them become MAKABAYAN, MAKADIOS, MAKATAO and MAKALIKASAN.



KASAYSAYAN NG PAARALANG G.L.M.N.H.S – WAWA ANNEX

              Maituturing na isang makasaysayang pangyayari ang naganap sa bantog at maalamat na kabundukan ng Wawa nang pagkalooban ang lugar na ito ng isang mataas na paaralan. Maituturing na isa ito sa pinakaahalagang proyekto ng magiting na punong-bayan ng Rodriguez Engr. Pedro S. Cuerpo sa pakikiisa ng sangguniang bayan at ng dating punongguro ng paaralang G.L.G.M.N.H.S na si Gng. Maria A. Barrameda.

              Pangunahing layunin nito ang paghahatid ng edukasyo sa mga mag-aaral na malapit lamang sa kanilang tahanan. Sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaang bayan ay napili ang lote ng MWSS bilang lugar na pagtatayuan ng pinagplanuhang gusali.

              Ika -3 Hunyo, 2002 may 70 estudyante ang nagpatala (38 ay kababaihan at 32 kalalakihan.) Karamihan sa mga ito ay nagsipagtapos sa Mababang Paaralan ng Wawa, San Rafael, Iñigan at ang malayong sityo ng Casili. Sa tulong ng masigasig na punongguro, G. Leoncio L. Gervacio at ng gurong tagapamahala na si Gng. Elvira Q. Pahati ay naihanda ang lahat ng pangangailangan ng paaralan.

              Hunyo 17, 2002 sa kadahilanang wala pang silid-aralan na maaaring gamitin sa panunuran , nagsilbing silungan ang kapilya ng Sitio Sapa sa loob ng limang buwan. Ang pagnanais ng mga mag-aaral, magulang at ng kanilang guro ang nagsilbing inspirasyon upang maitaguyod ang minimithing edukasyon. Ang mahahabang upuan ay pinunan ng magkakatabing estudyante, habang ang pulipito at altar ang naging tuntungan ng mga guro habang sila’y nagtuturo.

              Dumanas ang unang batch ng klaseng ito ng matinding init, sikip at kawalan ng kagamitan. Ang iba naming mag-aaral ay nagkakasya na lamang sa pag-upo sa sementong sahig at barandilya. Habang ang mga guro naman ay nagsisikap na idaos ang klase sa pinakamaayos na paraan, tangan ay putol na chalk at makitid na pisara sa pagtututro. Gayunpaman, hindi nila alintana ang lahat ng mga kakulangan ito bagkus, ang tanging mamasdan sa kanilang mga mata ay mga pagsisikap na matuto ang kanilang mag-aaral.

              Unti-unti sa tulong ng Konseho at ni Konsehala Jimleth B. Dulla ay natugunan ang mga pangangailangang kagamitan. Buwan ng Agosto ay pinagkalooban sa paaralan ang 60 silya at dalawang pisara para sa mga mag-aaral.

              Nang matapos ang pinapatayong gusali na may tatlong silid , halos may pananabik na pinunan ng mga mag-aaral ang bagong gusali. Mula sa masukal at mabatong ground ay walang pagod nila itong inayos at nilinis.

              Oktubre 22, 2002, ang lahat ay naghanda sa pinakamahalagang pagdiriwang: ang pagpapasinaya sa bagong tayong gusali. Dumalo sa napakahalaga at makasaysayang okasyong ito ang punong-bayan ng Rodriguez na si Engr. Pedro S. Cuerpo. Kapitan ng Baranggay ng San Rafael na si G. Salvador T. Cruz, mga opisyales ng munisipalidad ng Montalban, mga konsehales ng Baranggay, ang punongguro ng G.L.G.M.N.H.S. G. Leoncio L. Gervacio at mga gurong tagapamahala ng mga annexes ng paaralan. Ang punong-bayan ang nagbigay ng opisyal na pahintulot na gamitin ang gusali para sa mga mag-aaral ng unang antas ng taong 2002-2003.





                                                                         Back to List
Free Web Hosting