Gen.Licerio Geronimo Memorial National School


Gallery



Vision and Mission

Vision

G.L.G.M.N.H.S. is center of quality education in developing the academic and technological competencies of students..

Mission

G.L.G.M.N.H.S. aims to produce academically and technologically competent students who are spiritually upright.



School History

              Mataagal na pangarap ng mga nanunungkulan at mamamayan ng Rodriguez (Montalban), Rizal na magkaroon ng Public High School. Pebrero 20, 1990 nasakatuparan ang pangarap na ito ng mga magulang at mag-aaral na nabibilang sa mahirap at katamtamang uri ng pamilya sa Rodriguez, Rizal. Isang dating subdibisyon na ang mag-aaral ay kamag-anak ng yumaong Angelito Manuel, na may sukat na 8,000 sq.m. ang nabili ng pamahalaan ng bayan ng Rodriguez sa tulong ng Pamahalaan Panlalawigan sa Brgy. Geronimo sa halagang Php. 1,200.00. Napakiusapan at binarayan ang ilang naninirahan dito kaya nabili ang lupang inilaan sa Public High School.

              Marso 20, 1990 sa bisa ng kapasyahan blg. 29 napagkasunduan ng sangguniang bayan, kapasyahang nagpatibay sa pangalang G.L.G.M.N.H.S ang paaralang itatayo.

              Ipanangalan sa bayaning dinadakila ng mga taga Rodriguez noong ikalawang digmaang Pandaigdig si Gen. Licerio Geronimo, Abril 17, 1990.

              Ang kapasyahang Blg. 34 ay napagkasunduan ng sanguniang bayan ng Rodriguez na humiling sa kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Sports sa pamamagitan ng Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan. Dr. Roxanne Salem, na bigyang pahintulot na magbukas ang kauna-unahang Municipal High School sa Rodriguez. Isinaayos ang mga kakailanganing papeles sa pangunguna ni Gng. Liticia A. Bautista, District Supervisor, Mayor Angelito Manuel Sangguniang Bayan.

              Nagbukas ang klase noong Hunyo 4, 190, inaprobahan ng kalihim ng edukasyon, Isidro Cariño ang kahilingan na makapagbukas ng paaralang sekundarya sa Rodriguez. Binuksan ang first year Curriculum 1990-1991 at ang local na pamahalaan ang sasagot sa lahat ng gastusin at pangangailangan ng paaralan hanggang sa panahong ang pamahalaang nasyonal ay mayroon ng mailalaan at aprobadong pondo rito. Matapos ang pangwalong sulat, natanggap ni Gng. Bautista noong Agosto 6, 1990, ang permiso na makapagbukas ng paaralan a siyarin ang officer in-charge sa makapagtalaga ng isang punong guro.

              Agosto 1990, ang unang araw ng pasukan sa G.L.G.M.N.H.S., 299 ang mag-aaral.

              Isang gusaling may tatlong kuwarto (Bagong Lipunan Type) ang ginamit ng 4 na seksyon na may tig-50 mag-aaral. Nanghiram ng isang silid sa Geronimo Elem. School para sa pang-apat na seksyon. Anim na guro ang nagturo, sila ay sina Gng. Cristina Camarse, Bb. Relita V. Reyes Gng. Arlene Selando Calvin, Gng. Evelyn Flores De Ruedo , Gng. Arlene Selando Calvin, Gng. Evelyn Flores De Ruedo, Gng. Clarita Nacon at G. Ricardo Vergara sila ay pinasweldo ng Pamahalaang Panlalawigan at makalipas ang isang taon ay nilipat sa Pamahalaang Nasyonal.

              Buong araw ang klase upang mabayaran ng Hunyo at Hulyo na tumagal hanggang Disyembre 1990. Sa kabila ng kakulangan ng mga panturong kagamitan, aklat at pasilidad at paaralan nagging mabunga ang taong ito sa mga guro at mag-aaral.

              Noong sumunod na taon binuksan ang pangalawang antas at nagdagdag ng tatlong guro, sila ay sina Gng. Zenaida S. Palileo, Gng. Evelyn T. Dancel at Gng. Helena H. Agana. Taong 1992-1993, 6 na guro pa ang tinanggap at pinasahod Special Education Fund (SEF) ng local na pamahalaan silang mga sumusunod. Gng. Gemma A. Amadore, Bb. Emily L. Estanislao, Gng. Rosita E. Calderon, Gng. Rowell Camrse.

              Taong 1993-1994 ay mayroong 28 na guro ang paaralan at 23 pangkat ng mga mag-aaral, 9 na unang antas, 6 na ikalawa at tig-apat na ikatlo at ikaapat na antas. Ang karagdagadang 14 na guro at pinasahod lahat ng local na pamahalaan ng Rodriguez, Rizal.

              Matapos ang termino ni Gng. Bautista noong 1995, pitong punongguro ang sumunod sa kanya. Sila ay sina G. Jose A. Dela Paz (1995-1997). Gng Cleotilde D.R. Mosqueda (1997-1998), Gng Ma. Cristina C. Camarse (1998-2000). Gng. Maria A. Barrameda (2000-2002), G. Geoncio L. Gervacio (2002-2006), G. Marado B. Digma (2006-2007) at si Gng. Loida R. Alcantara (2007-kasalukuyan).

              Ang G.L.G.M.N.H.S. ang maituturing na pinaka-matandang paaralang sekundarya dito s Rodriguez. Naging Annexes niya ang lahat ng mga paaralang naitayo dito, bago ito nakapagsarili at magkaroon ng kanya-kanyang punongguro. Ang mga sumusunod na paaralang sekundarya sa Rodriguez. Kailan ito naitago at ang kanilang punongguro sa kasalukuyan. Montalban Heights NHS (1998) – Gng. Carmelita Dlesco Macabud NHS (1999) – G. Vivencio A. Felix, Kasiglahan NHS (2000) Gng. Clarita C. Nocon, San Jose NHS (2002), Gng. Elvira Q. Pahati, Burgos NHS (2002), Gng. Cristina C. Camarse, San Isidro NHS (2002), Bb. Relita V. Reyes at ang Mascap NHS (1996) pinamahalaan ni Gng. Zenaida S. Palileo ay may dalawang annexes ngayon, ang Puray NHS at Macailangan NHS.

              Samantala ang WAWA NHS (2002) at Manggahan NHS (2006) ay ganap na ring nagsarili as pagbubukas ng taong panuruan 2008-2009 matapos maaprobahan ang hiling na ito’y maihiwalat s Licerio noong Pebrero 2008. Sa kasalukuyan sina Bb. Nemencia S. Cayetano at Gng. Aurora B. Chinilla ang gurong namahala sa nasabing mga paaralan.

              Mula isang gusali (BOD) na may tatlong silid noong 1990, ito pa ang nadagdag kabilang ditto ang Principal Lea Building pinasinayaan sa ilalim ng panunugkulan ni Gng. Loida R. Alcantara. May mahigit 85 na faculty members and stuff an pawang pinapasweldo ng nat’l fund at mula sa 200 na mag-aaral ay may kabuuang 2974 ang nagpa-enroll mula na hanggang ika-apat na antas ngayong taon.

              Nalaon nang naisakatuparan ang pangarap ng mga taga Rodriguez noon. Malaki na rin ang pagbabago ng paaralan. At ito’y naisagawa sa tulong ng kagawaran ng edukasyon pamahalaang bayan mga punongguro, mga guro at mga magulang na patuloy na nagtataguyod sa kahalagahan ng edukasyon.

              Ang panahon ay lilipas ngunit nananatili ang pang-alaalang Mataas sa Paaralang Gen. Licerio Geronimo, ang pangalong Angelito C. Manuel at Liticia A. Bautista ay hindi mabubura sa kasaysayan ng paaralan.





                                                                         Back to List
Free Web Hosting